Friday, July 19, 2013

Aking Magulang, Aking Idolo!

Ang aking mga magulang ( Richard at Anna )
Aking mga magulang ay tunay na dakila,
Sila'y mapagmahal, mabait, at maalaga.
Laging nandyan kapag may problema,
To the rescue sa mga eksena.

Sila'y nakikinig sa'ming mga damdamin,
At kanilang sasabihin ang saloobin.
Di nila hinahayaang kami'y malumbay,
Laging binibigyang kulay ang aming buhay.

Hindi nila kami hinahayaang masaktan,
Laging sa iba'y kami'y pinoproteksiyonan.
Di rin sila nagkulang sa gabay,
Suportado ni Inay at Itay.

Kahit sila'y abala sa aming pamilya,
Di nalimot responsibilidad sa iba.
Sila'y isa pa ring mabuting maggagawa,
Ginagampanang mahusay ang gawa.

Dahil doon sila'y aking mga idolo,
Pangarap na maging sila sa paglaki ko.
Gagawin silang modelo ng buhay,
Hindi hahayaang landas ay mapawalay.