![]() |
Ang aking mga magulang ( Richard at Anna ) |
Aking mga magulang ay tunay na dakila,
Sila'y mapagmahal, mabait, at maalaga.
Laging nandyan kapag may problema,
To the rescue sa mga eksena.
Sila'y nakikinig sa'ming mga damdamin,
At kanilang sasabihin ang saloobin.
Di nila hinahayaang kami'y malumbay,
Laging binibigyang kulay ang aming buhay.
Hindi nila kami hinahayaang masaktan,
Laging sa iba'y kami'y pinoproteksiyonan.
Di rin sila nagkulang sa gabay,
Suportado ni Inay at Itay.
Kahit sila'y abala sa aming pamilya,
Di nalimot responsibilidad sa iba.
Sila'y isa pa ring mabuting maggagawa,
Ginagampanang mahusay ang gawa.
Dahil doon sila'y aking mga idolo,
Pangarap na maging sila sa paglaki ko.
Gagawin silang modelo ng buhay,
Hindi hahayaang landas ay mapawalay.
Gandaaa. :))
ReplyDeletewow bait rich anne, kala ko pa naman si ENRIQUE GIL ang sau........ hahaha =D
ReplyDeleteMagaling at magandang tula!Salamat anak sa pagiging mabuting anak, mapagmahal, masunurin at very thoughtful. Andito lang kami ng papa mo para gabayan at suportahan ka sa mga pangarap mo. We're always proud of you.Keep up the good work and continue to reach your dream. We love you so much!
ReplyDeleteGanda!! Sweet!
ReplyDelete